-- Advertisements --

Tinuldukan na ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang tatlong sunod na pagkatalo ng ilampaso nila ang Blackwater Elite 82-71 sa 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.

Nanguna sa panalo ng Painters si Jayvee Mocon na nagtala ng 19 points at 13 rebounds habang mayroong 14 points si Beau Belga.

Sinabi ni Rain or Shine coach Caloy Garcia na kinailangan nila ng matinding pressure para matapos na ang tatlong sunod na panalo.

Kinailangan aniya nila ng pressure par ma-enjoy ang laro.