DAVAO CITY – Inihayag ni Fr. Ricky Gente, Chaplain Sentro Filippino sa Roma na nakabase ngayon sa Rome Italy bilang pasasalamat kay Pope Francis, isang painting ang ibibigay ng Filipino community sa Sto. Papa.
Sa panayam ng Bomboradyo kay Fr. Gente kanyang sinabi na ang nasabing painting ay gawa ni Ryan Carreon Aragon na taga Cagayan de Oro.
Sinasabing isang pamilya na hindi nagpakilala ang nagbigay ng nasabing painting.
Una ng sinabi ni Fr. Gente na mayorya sa mga inimbitahan sa misa ay parehong mga Pilipino na nagdiwang ng ika-500 na taon ng kristiyanismo ngayong araw.
Bagaman limitado lamang umano sa 100 ang makakapasok sa Saint peter’s basilica ngunit hindi ito hadlang sa mga mananampalatay dahil may malaking screen umano na ilalagay para maging bahagi pa rin ng misa ang mga nasa labas ng simbahan.