-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ni Filipina SEA Games fencing champion Maxine Esteban ang kaniyang mga paintings para pantulong sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Maxine Esteban
Maxine Esteban/ IG post

Sinabi nito na ang 10 paintings ay ginawa niya mismo kung saan ang malilikom na pondo ay mapupunta sa “A Small Things Goes A Long Way” campaign.

Nauna ng ibinigay nito ang kaniyang mga allowance kung saan nakalikom na siya ng P500,000 para sa mga nasabing fund drive niya.

Bukod sa mga frontliners ay matutulungan din ng fund drive niya ang ilang komunidad na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Ang 19-anyos na sophomore fencing player ay nanalo ng bronze medal noong 2019 Southeast Asian Games.