-- Advertisements --

PARIS, France – Bumalik ang mga French art experts sa loob ng Notre Dame cathedral para kuhanin ang natitirang paintings doon nitong araw.

Ito ay sa kabila ng babala ng environmental group na ang lugar ay posibleng may hatid na peligro sa kalusugan ng tao matapos itong masunog kamakailan.

Pinahintulutan ang mga opisyal ng culture ministry na pumasok sa 850-year-old landmark para simulang ang retrieval sa mga artworks matapos na ideklara ng mga fire service officials na ligtas nang pumasok sa loob ng simbahan.

Ayon sa Culture Minister ng France na si Franck Riester, maari nang tanggalin pansamantala ang mga paintings na nakaligtas sa sunog.

Pero iginiit ng Robin des Bois (Robin Hood) organization na hindi pa ligtas para pumasok ang mga tao sa loob ng cathedral dahil nasa 300 tonelada ng lead mula sa bubong at steeple ang natunaw sa nangyaring sunog.

Kailangan daw na magkaroon muna ng decontamination para ligtas na muling makapasok sa loob ng Notre Dame cathedral.