DAVAO CITY – Sa gitna ng mahigpit na seguridad sa Davao City Jail-annex para lamang hindi makalusot ang mga kontrabando, nakarekober na naman ang otoridad ng higit P45,000 halaga ng illegal na druga na ipinasok sa saging at iniwan sa mga naka-file na mga gulong malapit sa Davao City Jail-annex.
Ayon pa kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) 11, nagsagawa ang jail duty searcher ng inspeksiyon napansin nito ang limang pakete ng illegal na druga na ipinasok sa saging dahilan na agad niya itong ipinaalam sa Searching Team.
Nabatid na bawat shabu ay binalot kasama ang plastic straw at tape.
Sa kasalukuyan, patuloy na iniimbestigahan ng otoridad kung sino ang nag-iwan ng nasabing mga saging at kung sino ang posibleng tatanggap nito.
Inihayag naman ng pamunoan ng pasilidad, doble ang kanilang isinagawang pagmonitor lalo na hindi lamang ito ang unang beses na may planong ipalusot na mga illegal na druga sa pasilidad kung saan noong nakaraang taon may mga illegal na druga rin na hinali sa adobo, ipinasok sa luya at may nagtangka pa na ipasok ang druga sa pasilidad gamit ang drone.