Binatikos ni House Speaker Alan Peter Cayatano ang European Parliament dahil sa umano’y lantaran nitong panghihimasok sa panloob na usapin ng Pilipinas.
Ayon kay Cayetano, kinokontra raw kasi ng mga mambabatas ng EU ang gobyerno ng Pilipinas na hindi muna nagtatanong o sinisigurong tama ang hawak nilang mga impormasyon.
“The Philippine House of Representatives takes exception to the outright interference of the European Parliament in the purely domestic matters of the Philippines by dictating on the government ‘to renew the broadcast license’ of ABS-CBN and to ‘drop’ the cyberlibel charges against Maria Ressa,” saad ni Cayetano sa isang Facebook post.
Dagdag pa ni Cayetano, bukas naman daw na makipag-usap ang mga miyembro ng Kamara sa mga counterpart nila sa European Union kung humiling ang mga ito ng dayalogo para talakayin ang mga isyu.
“We thus take offense that the EU Parliament criticized the Philippine Government first before asking questions, and prior to ascertaining the facts,” ani Cayetano.
Batay sa isang resolusyon ng EU Parliament, hinihimok nito ang gobyerno na iurong na ang mga kaso laban kay Rappler CEO Maria Ressa at i-renew ang prangkisa ng malaking TV network na ABS-CBN.
Nakasaad din dito na naaalarma raw ang parliyamento sa umano’y bumababang lebel ng kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas bunsod ng naturang mga kontrobersya.
Pero tugon ni Cayetano, hindi naman daw kailanman naging isyu ng press freedom ang cyberlibel case ni Ressa dahil ang hatol umano ay ginawa sang-ayon sa Saligang Batas at sa standard procedures ng sistema ng hudikatura ng bansa.
Giit pa ng opisyal, ang franchise application ng ABS-CBN ay ipinagtibay matapos ang “patas, masinsinan at walang pinapanigang paglilitis na isinagawa ng House Committee on Legislative Franchises.”
“The Philippines has always valued and upheld its long tradition of press freedom, deeply conscious that having a plurality of voices, including critical ones, is an essential requirement for the continued functioning of its cherished democracy,” ani Cayetano.
“Press freedom and the right to free expression are protected by no less than the Philippine Constitution, consistent with the Universal Declaration of Human Rights and the International Covenant on Civil and Political Rights,” dagdag nito.
Noong Mayo 5 nang tumalima ang ABS-CBN sa kautusan ng National Telecommunications Commission na tapusin na ang kanilang operasyon makaraang mapasok ang kanilang legislative franchise.
Habang noong Hunyo 15, hinatulang guilty ng Manila Regional Trial Court Branch 46 sina Russa at dating Rappler researcher Reynaldo Santos Jr. sa cyber liber at sinintensyahan ng anim na buwan at isang araw hanggang anim na taong pagkakakulong.