-- Advertisements --

Inaasahang makikipagkita ang pinuno ng Myanmar military sa mga international leaders.

Ito ay dahil kinakailangang dumalo si General Min Aung Hlaing sa ASEAN regional summit sa Jakarta, Indonesia.

Ang pakikipagkita ng heneral sa mga matatatas na lider ay pinakaunang pagkakataon na mangyari matapos inilunsad ang kudeta sa Myanmar simula Pebrero 1 dahil umano sa voter fraud sa 2020 general election.

Tatalakayin sa nasabing meeting ang naranasang krisis ng mga bansa na miyembro ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) kung saan magkikita ang mga leaders at foreign ministers mula sa 10 miyembro nito.

Sa kasalukuyan, wala pang inilabas na kumpirmasyon ang heneral kung dadalo siya o hindi sa nasabing pagpupulong.

Napag-alaman na umakyat na sa mahigit 700 katao ang namatay sa nagpapatuloy na protesta kontra gobyerno sa Myanmar.