-- Advertisements --
NSW
NSTW/ DOST IMAGE

BAGUIO CITY -Matagumpay ang pakikibahagi ng Deparment of Science and Technology (DOST)-Cordillera sa 2019 National Science and Technology Week (NSTW) sa World Trade Center, Pasay City.

Sa pangunguna ni DOST-CAR Regional Director Nancy Lumbas ay natunghayan ang mga delagasyon ng Cordillera sa iba’t-ibang bahagi ng programa.

Ipinagdiriwang ang NSTW para makilala ang kahalagahan at naitutulong ng science and technology (S&T) sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 169 ti 1993 ay ipinagdiriwang ang National Science and Technology Week bawat ikatlong linggo ng Hulyo.

Nagsilbing tema ng 2019 National Science and Technology Week (NSTW) ang “Science for the People: Enabling Technologies for Sustainable Development”.