-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Iniimbitahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang publiko na makibahagi sa entrance at promotional examination ng Philippine National Police na gaganapin sa Apayao sa Oktubre 25.

Ayon kay NAPOLCOM-Cordillera Regional Director Editha Puddoc, kailangang personal na mag-aplika ang mga interesado sa San Isidro Barangay Hall, Luna, Apayao sa Setyembre 16 hanggang 20.

Sinabi niya na walang gaganaping online registration sa eksaminasyon.

Inihayag ng opisiyal na kailangang ang aplikante ay Filipino Citizen, may edad na 21 hanggang 30, nakapagtapos ng 4-year course at mayroong eligibility para sa eksaminasyon.

Kailangang magpresenta ang mga aplikante ng dalawang 1X1 ID pictures na may white background at mayroong kompletong name tag, transcript of records, diploma, original na kopya ng authenticated birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority, valid ID at P400 na examination fee.