Inaasahang mapapalakas ng pakikipag-alyansa ng Department of Trade and Industry sa isang US company ang IT BPM electronics sector at migrant workers sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Trade Secretary Alfredo Pascual sa isang panayam sa mga kawani ng media.
Ayon sa kalihim ang kumpanyang ito ay US Company na kilala bilang Plug and Play.
Paliwanag ni Sec. Pascual, ang pakikipagtulungang ito ng DTI ay maghahatid naman ng additional skills na siya naman magpapalakas sa mga nasabing sektor.
Ito ay magiging tulay rin para makilala ang Pilipinas sa international market.
Sa paggamit aniya ng AI, ang Pilipinas ay makakasabay na sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya.
Aabot naman sa US$10 Billion ang napagkasundunang pondo ng naturang alyansa sa pagitan ng DTI at US Company na Plug and Play.