Inihayag ng Public Attorney’s Office (PAO) na magbibigay ng karagdagang access sa maraming Piilipino kaugnay sa legal aid ang pakikipagtulungan nito sa Office of the Vice President.
Ito ang sagot ng kagawaran sa pambabatikos na hindi na umano ito kailangan at ito ay isang kalabisan o redundant.
Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta, ito ay talagang bahagi ng mandato.
Pero sa kabila ng social media, trimedia, hindi pa rin alam ng ilang Pilipino kung para saan ang kanilang kagawaran.
At dahil 32 million ang mga Pinoy na bumoto kay Vice President Inday Sara Duterte, siya ang kanilang nilalapitan para makipag-ugnayan sa kanilang opisina, kaya napakaganda ng partnership na iyon.
Ang Public Attorney’s Office (PAO) at ang Office of the Vice President nitong linggo ay lumagda sa isang memorandum of agreement para sa pagbibigay ng libreng legal assistance.
Ngunit napansin ng ilang gumagamit ng social media na kahit wala ang kasunduan, ang Public Attorney’s Office (PAO) ay may mandato na magbigay ng legal aid sa mga mahihirap.