Buhos pa rin ang pakikiramay sa pagpanaw ng beteranong basketbolistang si Rosalio “Yoyong” Martires.
Bago kasi naging komediyante at public servant ay naging sikat na basketbolista noong dekada 70 at 80 ang 77-anyos na si Martire.
Kabilang ang 5-foot-8 guard noong 1972 Olympics sa Munich kung saan mayroon silang tatlong panalo at anim na talo.
Kasama rin siyang naglaro sa Asian Basketball Confederation Championship noong 1973.
Bilang pro ay sumabak ito sa koponang San Miguel- Royal Tru-Orange franchise sa MICAA at PBA noong 1975.
Nagwagi ito ng dalawang PBA championship bago tuluyang nagretiro noong 1984.
Matapos ang pagreretiro ay pumasok siya sa pag-aartista at pulitika.
Ilan sa mga nagpaabot ng pakikiramay ay mga PBA legend gaya nina Ramon Fernandez at ilang atleta ng bansa.