Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay at pakikidalamhati matapos ang pagkasawi ng atletang si Mervin Guarte.
Si Guarte ay pinagsasaksak habang natutulog sa bahay ng kaibigan nito sa Calapan City, Oriental Mindoro ng Martes ng madaling araw.
Nanguna ang Philippine Sports Commission na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Guartekung saan inalala nila ang kaniyang tagumpay at hinangaan ang galing sa sports.
Maging si Two-time Olympian and pole vault star EJ Obiena ay emosyonal matapos na mabalitaan ang nangyari sa itinuturing niyang kaibigan.
Ang 33-anyos na si Guarte ay nagkamit ng dalawang gintong medalya sa obstacle course racing sa Southeast Asian Games noong 2019.
Una rito ay nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Air Force kay Guarte na isang Airman First Class na sumali sa PAF sa pamamagitang direct enlistment noong 2015 at naitalaga sa Lipa, Batangas.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PAF sa Calapan City Police para sa imbestigasyon.