Kaliwa’t kanan pa rin ang pakikiramay para sa namayapang veteran actor na si Lito Legaspi sa edad na 77.
Alas-10:00 ng umaga kahapon, September 8, nang tuluyang pumanaw si Legaspi sa ospital dahil sa cardiac arrest at nasa Loyola Memorial Funeral Homes sa Marikina City ang labi.
Una itong isinugod sa ospital nitong Biyernes matapos nakaramdam ng paninikip ng dibdib.
Naulila niya ang mga anak na sina Brando, Zoren, Kier, at Jupiter, at ang kanyang estranged wife na si Hershey Legaspi.
Noong 1959 nagsimula ang acting career ni Lito Legaspi at kabilang siya sa mga matinee idol na contract star ng Sampaguita Pictures.
Naging tampok siya sa 1959 film na “Ipinagbili Kami Ng Aming Tatay” kasama ang Comedy King na si Dolphy.
Nakatakda pa sana itong magdiwang ng kanyang 78th birthday sa darating na September 10