-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay mula sa iba’t-ibang dati at kasalukuyang lider ng bansa dahil sa pagpanaw ni Pope Francis.

Pawang mga papuri at labis na kalungkutan ang ipinarating ng mga iba’t-ibang lider ng bansa.

Tinawag naman ng mga African leaders ang Santo Papa bilang boses ng kapayapaan at pagkakapantay-pantay.

Maging si dating US President Joe Biden at dating Vice President Kamala Harris ay nagpaabot ng pakikiramay sa namayapang Santo Papa.

Itinuturing naman ni United Nations Secretary General António Guterres bilang taga dala ng pag-asa at pagkakaisa ang Santo Papa.

Dagdag pa nito na lahat ng mga empleyado ng UN ay naging inspirasyon ang Santo Papa.

Habang sa US ay ipinag-utos ni US President Donald Trump ang paglalagay sa half-mast ang lahat ng mga watawat ng US sa mga pampublikong gusali ng America.