CAGAYAN DE ORO CITY – Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya Dormitorio sa huling gabi ng lamay ni PMA cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Kahit hindi mga kaanak ni Dormitorio ay pumunta sa kanyang lamay sa Cosmopolitan Funeral Homes aron ipaabot ang kanilang simpatiya sa sinapit nito.
Dumating rin dito sa Cagayan de Oro nitong Martes ng hapon ang mga kaanak at kaibigan ng pamilya mula sa Bukidnon at Lanao del Sur.
Inaasahan din ang pagdalo nila ni Rep. Rufus Rodriguez, Mayor Oscar Moreno at Misamis Oriental Gov. Bambi Emano sa last vigil.
May isinigawa ring solidarity prayer ang mga mag-aaral at opisyal ng Xavier University kung saan kanilang hilingin ang mabilisang pagbigay hustisya sa pagkamatay ni Dormitorio dahil sa umanoy hazing sa lood ng akademya.
Ilibing ang mga labi ni Darwin sa Oro Gardens Cemetery sa Miyerkules.