Buhos ngayon ang pakikiramay sa pagpanaw nina Iranian President Ebrahim Raisi at Iranian Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian, matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter.
Mula sa mga lider ng iba’t-ibang bansa hanggang sa international organizations ay nakikiramay sa naturang pangyayari.
Patungo ang pangulo sa Tabriz City sa northwest Iran matapos na ito ay nanggaling sa pagbubukas ng dam sa border nila ng Azerbaijan.
Ang sinakyan nilang Bell 212 ay popular din sa tawag na Bell Two-Twelve.
Ito ay may two-blade, medium helicopter na unang ginamit noong 1968.
Ito ay gawa ng Bell Helicopter mula sa Fort Worth, Texas, United States, bago lumipat ang produksyon sa Mirabel, Quebec, Canada noong 1988, kasama na ang Bell commercial helicopter production sa pagbubukas naman noong 1986.
Ang 212 ay ginagamit ng civilian operators at may hanggang 15-seat capacity.
Sa cargo-carrying configuration naman ng 212, ito ay may internal capacity na 220 cubic feet.
May external load na hanggang 5,000 pounds o 2,268 kg sa loob ng nasabing helicopter.