-- Advertisements --

Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na beteranong direktor na si Mel Chionglo sa edad na 73-anyos.

Sa pahayag ng Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI), labis nilang ikinalulungkot ang pagyao ni Chionglo nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa DGPI, hindi matatawaran ang buhay ni Chionglo na malaki ang naiambag sa Philippine cinema.

Sinimulan ni Chionglo ang kanyang karera sa film industry bilang production designer para sa mga pelikulang “Itim” ni Mike de Leon, “Ina Kapatid Anak” ni Lino Brocka, at Aguila ni Eddie Romero.

Ang pelikulang “Playgirl” na pinagbidahan ni Gina Alajar ang kanyang unang pelikula bilang direktor, na ginawa nito noong 1981.

Kabilang din sa mga idinirek na pelikula ni Chionglo ay ang Sinner Or Saint (1984), Dear Mama (1984), Babaeng Hampaslupa (1988), Dyesebel (1990), Burlesk King (1999), Lagarista (2000), Twilight Dancers (2006), at Lauriana (2013).

Ilalagak ang labi ni Chionglo sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Sa Setyembre 26, araw ng Huwebes ay nakatakdang i-cremate ang kanyang labi.