Bumuhos ang pakikiramay ng iba’t-ibang personalidad at grupo matapos maipabatid ang pagpanaw ni Davao Archbishop Emeritus Fernando Capalla.
Sinasabing pumanaw si Archbishop Emeritus Capalla sa edad na 89, nitong madaling araw ng Sabado.
Ang Archdiocese of Davao at St. Francis Xavier Regional Major Seminary of Mindanao ay nagpaabot na ng kanilang pakikidalamhati, habang ang ilang personalidad ay nag-post din ng kanilang mga larawan bilang pakikibahagi sa pagluluksa.
“It is with deep sadness that we announce the passing away of our beloved Archbishop-Emeritus Fernando R. Capalla at the age of 89, at 1:23 a.m. today, 6 January 2024,” saad ng abiso mula sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary.
Ang Rite of Reception para sa labi ni Archbishop Capalla ay inaasahang isasagawa din ngayong araw.
Naiparating na ang malungkot na pangyayari sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at sa Apostolic Nunciature.