Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay sa pagpanaw ng beteranong actor at director na si Manuel “Jun” Urbano Jr.
Ang 84-anyos na actor ay pumanaw nitong Sabado dahil sa ruptured abdominal aortic aneurysm ayon sa kaniyang anak na si Banots.
Nakilala ang actor sa Mongolian-inspired na character na si Mr. Shooli sa show na “Mongolian Barbecue” noong dekada 80.
Pinasok din nito ang pag-direct ng pelikula kung saan ilan sa mga pelikula na ginawa niiya ang “Ibong Adarna”, “Voltes V”, “Juan Tamad” at maraming iba pa.
Nabigyan ito ng ilang pagkilala gaya ng Gawad Plaridel ng University of the Philippines at Dr. Jose R. Perez Memorial Award.
Ilan sa mga artista at pulitiko ang nagbigay ng kanilang tribute at pagkilala ganun din ang kanilang pakikiramay.
Sa kani-kanilang social media account ay nagpost ang mga ito ng larawan habang kasama ang beteranong actor.