-- Advertisements --

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng gitarista ng legendary band na Juan dela Cruz na si Wally Gonzales sa edad na 71.

Nitong Hulyo 23 ng kumpirmahin ng anak nitong si John Gonzales ang pagpanaw ng ama.
Hindi naman na binanggit kung ano ang sanhi ng kamatayan nito.

Noong nakaraang buwan ay na-stroke na ito at na-diagnosed pa siya ng COVID-19.

Sa kanilang social media ay inalala ng maraming local music band gaya nina Cooky Chua ng Color it Red, Raymund Marasigan ng Pedicab, Jim Paredes ng APO Hiking Society at maraming iba pa.

Kilala bilang “the quiet Juan” si Wally ang nagtaguyod ng Juan dela Cruz na binubuo ng namayapang bokalista nilang si Joey Pepe Smith at bassist-composer na si Mike Hanopol.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay “Balong Malalim”, “Himig Natin” at maraming iba pa.