Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay sa pagkamatay ni dating House Speaker Prospero Nograles na namayapa sa edad na 71-anyos.
Inalala ni Sen. Richard Gordon ang mga magagandang oras nila ni Nograles bilang estudyante at dorm mates sa Ateneo de Manila University.
Ayon kay Gordon, matalinong abogado at masipag sa trabaho para sa kanyang mga constituents ang dating mambabatas na isa ring bar top-notcher.
Isinalarawan pa ni Gordon na “The Big Man” from the South ang dating House Speaker.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang presidential son na si dating Vice Mayor Paolo Duterte at tinawag si Nograles bilang “Manong Boy.”
Si Nograles na ipinanganak sa Davao ay nahalal ng limang termino sa pagkakongresista sa First District ng lungsod.
Naging House Speaker ito noong 2008 sa administrasyon ni dating pangulo at ngayon ay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.