-- Advertisements --

Ikinalungkot ng online world ang pagpanaw ng ni Andres Antonino Eduardo ama ng content creator at influencer na si Small Laude, ngayong araw ng Biyernes.

Sa social media story ni Laude ibinahagi nito ang candid videos kasama ang kaniyang ama na may text na ‘Heaven gained an angel, rest easy daddeh.’

‘I miss you so much,’ dagdag nito sa kaniyang caption.

Sa magkaibang story post ni Laude sa kaniyang social media ibinahagi naman nito ang detalye ng pasilip para sa burol ng kaniyang ama.

Para sa pamilya ng mga Laude ang viewing schedule nito ay ngayong Biyernes, Enero 31, at para sa mga kaibigan naman nito ay naka schedule ng Pebrero 1 hanggang 4 sa mga sumusunod na oras na 2 p.m. hanggang 10 p.m na gaganapin sa Santuario de San Antonio Parish, Forbes Park, Makati City.

Magkakaroon rin ng misa araw-araw sa ganap na 6 p.m hanggang 7 p.m habang gaganapin naman ang funeral mass sa Pebrero 05 sa ganap na 9 a.m.

Ang libing ng labi ng ama ni Laude ay gagawin sa heritage memorial park sa Taguig City.

Samantala bumuhos naman ang pakikiramay para sa content creator, dala ang kalungkutan at kinilala bilang pinakamalungkot na araw para sa mga ito.