-- Advertisements --

Bumuhos pa ang pakikiramay sa pagpanaw ng kilalang negosyante at tinaguriang “kingmaker” na si Eduardo Cojuangco, Jr.

Ikinalungkot din ni Sen. JV Ejercito ang pagpanaw ng kanyang “ninong” na ayon sa kanya ay mayroong mabuting puso at mabuting tao.

“Woke up to a very sad news earlier. My Ninong Danding Cojuangco passed away. He is a very nice person with a kind heart. Super nice to me. He will be missed,” ani Ejercito.

Nagluluksa naman so Sen Sherwin Gatchalian sa pagkamatay ng Nationalist People’s Coalition at nagpaabot na ito ng pakikiramay sa pamilya ng negosyante.

Sinabi ni Gatchalian na hindi matatawaran ang suporta ni Cojuanco sa nation-building at hinding hindi ito makakalimutan.

“My most sincere condolences to the family of Eduardo Cojuangco Jr. His dedication to his loved ones, his work, & his continued support towards nation-building will never be forgotten,” ayon sa senador.

Maging si dating Sen. Bongbong Marcos ay nagpaabot na rin ng pakikiramay sa negosyanteng tinawag niyang “tito” sa kanyang post at pinalitan pa ng senador ang kanyang profile picture sa social media ng larawan ni Cojuanco.

“Goodbye, Tito Danding. You were a rock in my life. Go with God now to a better place,” anang dating senador.

Maging ang pamunuan ng PBA ay nagpaabot na rin ng pakikiramay sa namayapang itinuturing din na tycoon sa larangan ng basketball.

Si Cojuanco ay itilaga noon ni Pangulong Ferdinand Marcos na project director for basketball kaya naman binansagan itong first godfather of Philippine basketball.

Kabilang sa mga Filipino basketball legends na na-produce ng basketball godfather sa pamamagitan ng Northern Cement basketball program sina Ricardo Brown, Allan Caidic, Samboy Lim, Hector Calma at Jerry Codinera.

Hanggang sa mamatay ay naging aktibo si Cojuangco sa sports at siya ang nagmamay-ari ng tatlong koponan sa PBA ang San Miguel Beermen, Magnolia Pambansang Manok at Barangay Ginebra San Miguel.

Ikinasal siya kay Soledad “Gretchen” Oppen Cojuangco ng Negros Occidental, at mayroon silang apat na anak.

Dalawa sa kanyang anak na si Charlie at Mark ay mga politiko sa Tarlac at Pangasinan.

May dalawang anak din si Cojuangco sa kanyang longtime partner, beauty queen na si Aileen “Leng” Damiles.