-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay at pag-alala ng ilang mga NBA players sa pagpanaw ng NBA legedn na si Jerry West sa edad na 86.

Nanguna na inalala ni NBA Commissioner Adam Silver ang naging malaking kontribusyon sa basketball ni West.

Siya ang itinuturing na matagumpay na manlalaro ng Los Angeles Lakers sa loob ng apat na dekada.

Pinuri naman ni Lakers star LeBron James ang naging kontribusyon ni West sa koponan.

Itinuturing niyan na isang tunay na kaibigan ito kahit na ilang taon nilang pagkakakilala.

Labis din na kalungkutan na nagparating ng pakikiramay si basketball legend Michael Jordan sa pagpanaw ni West na itinuturing niya na bilang isang nakakatandang kapatid na lalaki.

Gaya aniya ng sinasabi niya noon na sana nakalaro niya ito sa basketball court.

Magugunitang inumpirma ito ng Los Angeles Clippers kung saan katabi pa ang asawang si Karen noong nalagutan ng hininga ang Hall of Famer.