Patuloy ang pagbuhos nang pakikiramay sa nangyaring pagpanaw ng award-winning author and poet na si Father Gilbert Luis Centina III.
Binawian ng buhay ang pari sa city of León sa northwest Spain nitong nakalipas na May 1 sa edad na 72-anyos dahil sa komplikasyon sa coronavirus.
Ang Filipino Augustinian missionary ay unang nagsilbi sa Augustinian houses sa Neguri at Loui mula April 2013 hanggang July 2019.
Huli niyang assignment ay sa Colegio de Nuestra Madre del Buen Consejo sa León.
Sinasabing ang celebrated Catholic priest na author at poet ay kabilang sa kanyang natanggap na pagkilala ay ang panalo sa Palanca Memorial Awards, ang highest literary honor sa Pilipinas sa larangan ng English poetry noong 1975.
Taong 1983 nang tanggapin naman niya ang Focus Magazine literary award sa English poetry.
Siya rin ang author ng limang poetry collections na may titulo na Getxo and Other Poems, Triptych and Collected Poems, Somewhen, Glass of Liquid Truths at Our Hidden Galaxette.
Sa twitter message ng Silliman NWWorkshop (@silliman_nww), nagbigay tribute ito kay Fr. Centina na magaling sa mga lenggwaheng Spanish, English, Hiligaynon at Tagalog.
Ang Augustinian friar ay dati ring school chaplain ng Colegio San Agustin sa Makati City at naging pastor sa San Jose Parish sa Iloilo City.
Inihatid naman sa kanyang huling hantungan si Fr. Centina ng Augustinian community sa araw din ng kanyang pagkamatay sa isang public cemetery sa León, Spain.
Samantala nitong araw ang kabuuang namatay sa Spain ay umaabot na sa 25,264 habang ang mga kaso naman ay pangalawa sa Amerika na meron ng 247,122.