![image 174](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/08/image-174.png)
Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño ngayong araw, Agosto 8 matapos ang pakikipaglaban nito sa stage 4 cancer
Nitong umaga ng Martes, kinumpirma ng aktres na si Liza Diño, anak ng yumaong dating opisyal ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang statement na inilathala sa kaniyang online account.
Nakasaad dito na mapayapang pumanaw ang dating DILG official na magiliw na tinatawag ding ‘Bobot’ kaninang alas-2:15 ng madaling araw na napapalibutan ng kaniyang pamilya.
Hindi lamang isang dedikadong serbisyo publiko ang dating opisyal subalit isa ding mapagmahal na asawa, ama, kapatid at kaibigan. Ang kaniyang hindi matatawarang commitment sa kaniyang mga tungkulin, walang kapagurang work ethics at pagmamahal sa kaniyang serbisyo ay naglalarawan sa kaniyang journey sa buhay. Ang kaniyang mga kontribusyon din sa progreso ng ating bansa partikular na sa local governance at pagpapaunlad sa mga komunidad ay habambuhay na mananatili bilang testamento ng kaniyang commitment sa mas maunlad na lipunan.
Ang legasiya din ng dating DILG official ay higit pa sa kaniyang natatanging papel sa gobyerno. Bilang isang dating Chairman ng Violence against Crime and Corruption organization, ginawa nitng ehemplo ang spirit of advocacy sa pamamgitan ng kaniyang oses para ipanalo ang karapatan ng mga naapi at nilaban ang injustice.
Nagpaabot ng pasasalamat ang pamilya Dino sa lahat ng nagpaabot ng kanilang panalangin sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.
Kung magugunita, nanungkulan si Dino bilang dating chairperson of the Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), presidential candidate ng partido ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan noong May 2016 elections hanggang sa magpasyang tumakbo bilang Pangulo si Duterte at pumalit kay Dino.
Itinalaga din ni PRRD si Dino kalaunan bilang chairperson ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at naging undersecretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).