-- Advertisements --
john regala pt 1 1024x512 1

Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kilalang personalidad at publiko ukol sa pagkamatay ng batikang aktor na si John Regala alas-6 ng umaga ngayong araw.

Una na itong ay kinumpirma mismo ng kanyang asawa at sinabing namatay ang aktor dahil sa cardiac arrest na dulot umano ng liver at kidney complications.

Kung matatandaan, sa mga nagdaang taon, si Regala ay labas-pasok sa loob ng ospital dahil sa iba’t-ibang health complications tulad ng liver cirrhosis, gout at diabetes.

Kilala sa kanyang mga kontrabida roles, lalo na noong taong 1990s, sikat si Regala bilang “bad boy” ng mga action films dito sa Pilipinas.

-- Advertisement --

Dagdag dito, natigil ang kanyang karera sa telebisyon dahil sa drug abuse na kung saan, siya ay dinala sa rehabilitation center.

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng iba pang mga detalye ang kanyang pamilya ukol sa kanyang internment.