-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Ipinaliwanag ng isang mental health professional na tinatawag na necrophilia o falling in love with a dead person ang isang aksyon kung saan, nakikipagtalik ito sa isang bangkay.

Ang paliwanag ni Dr. Romeo Lorenzo, isang psychiatrist sa bayan ng Kalibo, Aklan ay kasunod sa napaulat na natagpuan na lamang ang bangkay ng isang 22-anyos na babae sa ibabaw ng nitso, walang saplot at pinaghihinalaan na ginahasa kamakailan lamang sa Carcar, Cebu.

Kwento ng kaanak, inilibing ang biktima noong Oktubre 19, 2024, matapos magkaroon ng eclampsia sa panganganak nito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center noong Setyembre 11, 2024 subalit binawian din ng buhay noong Oktubre 9, 2024.

Ayon pa kay Dr. Lorenzo, matinding sexual fantasies ang naramdaman ng isang indibidwal sa patay na tao na nagsimula pa sa panahon ng Ancient Egpytian at bansang Greece.

Inihanay ito ng American Psychiatric Association at World Health Organization na isang mental at personality disorder o sexual prevertion at hindi kailanman naging normal.

Dagdag pa ni Dr. Lorenzo na itinuturing itong sakit at hindi kayang kontrolin ang sarili kung may nakikitang bangkay.

Posible din aniya na nagkaroon ng trauma ang isang indibidwal at naging biktima ng child abuse na nadala nito hanggang sa kaniyang pagtanda at nag-iba ang kaniyang perception sa intimacy.