-- Advertisements --
DFA teddy locsin
Sec Teddy Locsin

Todo paliwanag si Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr., kaugnay sa pakikitungo ng Pilipinas sa China.

Sa budget briefing ng House appropriations committee sa 2020 budget ng Department of Foreign Affairs (DFA), iginiit ni Locsin na ang Western countries ang madalas na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas nang walang paalam.

Ito ay sa kabila ng pagkakadiskubre ng militar na ilang Chinese warships ang pumasok sa teritoryo ng Pilipinas kamakailan.

Matapos mabalitaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Locsin na agad nitong sinabi na hindi papayagan sa bansa ang pagpasok ng mga barkong pandigma ng China at kailangan munang magpaalam.

Samantala, sabi raw ng China na nais din nila na humingi ng permiso sa Pilipinas kompara sa tugon ng mga Western Countries na magkaroon ng absolute freedom at makapaglayag sa lugar.