Ipinagmalaki ni Finance Sec. Carlos Dominguez ang mga nagawa ng Duterte administration at mga hakbangin pang gagawin para lalo pang mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Sa ginawang presentasyon ni Sec. Dominguez sa pre-SONA forum sa PICC, ibinida nito ang mababang inflation rate nitong Enero ngayong taon kung saan nakapagtala lamang ng 4.4 percent kasabay ng pagtiyak na nasa tamang direksyon ang administrasyon para maabot ang 2. 4 percent inflation target ngayong taon.
Kasama rin sa iniulat ni Sec. Dominguez ang naging benepisyo ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law na pinakinabangan ng nasa 99% tax payers na exempted sa pagbabayad ng income tax habang inalis na din ang VAT sa mga medisina para sa diabetes, hpertension, high choleterol at iba pang mga sakit.
Sa ilalim din umano ng Duterte administration ay nagkaroon ng paglaki sa revenue o kita ng pamahalaan sa pamamagitan ng paniningil ng mas mataas na excise tax sa tobacco products na siyang nagpopondo sa Universal Health Care.
Inihayag ni Sec. Dominguez na dapat hindi makalimutan ang magandang government-owned and controlled corporation (GOCC) dividend collection na umabot sa P40 bilion nitong 2018 na siyang pinakamataas magmula pa noong 1994.
Tuloy-tuloy din umano ang kampanya ng gobyerno laban sa smuggling at iba pang proyekto ng administrasyon sa harap ng magandang momentum sa itinatakbo ng ekonomiya ng bansa.