GENERAL SANTOS CITY – Pakigpagkaibigan at wala ng iba ang pakay ni Pangulo Rodrigo Duterte sa biyahe nito sa China.
Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa exclusive interview ng Bombo Radyo General Santos.
Inimbita umano ng China ang Pangulo Duterte subalit walang garantiya na pag-uusapan ang mga pangyayari sa West Philippine Sea.
Sinabi pa nito na hindi ikokompromiso ng Pangulo na angkinin ng ibang bansa ang teritoryo na pagmay-ari ng Pilipinas.
Pinasaringan naman nito ang mga kalaban ng administrasyon na may pakana sa naglipanang billboard na “Welcome to the Philippines Province of China.”
Kahapon si Secretary Panelo ang panauhing pandangal sa graduation Exercises ng senior high school sa isang paraalan sa General Santos City.