-- Advertisements --
Kashmi
Kashmir

Inanunsyo ng Pakistan ang pagtanggal nito ng mga top diplomats at pagtigil sa pakikipagkalalakan sa India.

Ito ay may kaugnayan ng pag-aagawan ng dalawang bansa sa Kashmir territory.

Naka-lockdown na ang Indian-administered Kashmir mula pa noong Lunes matapos na pagdesisyunan ang pagtanggal ng constitutional status ng lugar.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Pakistan, na palalayasin din nila ang High Commissioner ng India na nasa kanilang bansa.

Isinagawa ang anunsiyo matapos ang ginanap na pagpupulong kung saan pinag-aaralan din ni Pakistan Prime Minister Imran Khan ang bilateral agreements nila ng India.

Dadalhin din nila ang nasabing isyu sa United Nations at UN Security council.