-- Advertisements --
Tinanggal na ng Pakistan ang airspace restriction nito sa lahat ng civilian flights at muli nitong binuksan ang key transit air corridor sa kanilang himpapawid.
Limang buwan na ang nakalilipas nang ipagbawal ng naturang bansa ang paglipad ng mga sasakyang pang-himpapawid sa kanilang airspace matapos ang isinagawang air raid ng India sa Pakistani territory.
Kinumpirma ito ng Pakistan Civil Aviation Authority (CAA).
Dahil sa pagsasarang ito ay nalugi ng milyon-milyong dolyar ang mga Indian airlines at karamihan sa mga kumpnaya ay napilitang ibahin ang ruta ng kanilang mga eroplano.
Ang muling pagbubukas ng airspace ng Pakistan ay inaasahang makakatulong muli sa Air India na mabawi ang $80m o halos limang bilyong piso.