-- Advertisements --
Nagdeklara ng Pakistan ng araw ng pagluluksa dahil sa pagkasawi ni Hamas leader Ismail Haniyeh.
Sinabi ni Prime Minister Shehbaz Sharif, na ang pagpatay kay Haniyeh ay isang uri ng “barbaric act” na malaking paglabag sa international law.
Una ng tinawag ni Sharif si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu bilang terorista at pasimuno ng mga war crimes.
Ilang libong katao naman sa Iran ang nakilibing kay Hamas leader Ismail Haniyeh.
Tiniyak ng Iran na sila ay gaganti sa Israel.
Magugunitang sinabi ng Israel Defense Forces na ang ginawa nilang pagpatay sa mga lider ng Hamas ay isang uri ng pagganti sa missile attack sa Golan heights na ikinasawi ng 12 bata.