-- Advertisements --
Naglagay ng barikada ang Pakistan sa border nila ng Afghanistan.
Ito ay para mapigilan ang pagtawid ng mga Afghans na lumikas sa kanilang bansa.
Pinapayagan lamang nilang makatawid ang mga nagdadala ng mga paninda at ilang negosyante.
Sa normal na panahon ay nasa hanggang 7,000 mga katao ang bumabiyahe sa dalawang bansa subalit ngayon ay hindi na bababa sa 50.
Iniiwasan kasi ng Pakistan na magkaroon ng spill-over ang kaguluhan sa Afghanistan.
Mula kasi sakupin ng Taliban ang Afghanistan ay maraming mga mamamayan doon ang lumilikas dahil sa takot sa bagong gobyerno na ipapatupad ng mga militants.