-- Advertisements --
Pakistan missile test
Pakistan missile test

Inanunsiyo ng Pakistan ang pagsasagawa nila ng surface-to-surface missile.

Ayon sa Pakistan Armed Forces, naging matagumpay ang testing ng kanilang Ghaznavi missile.

Umabot ito ng hanggang 290 kilometers na may iba’t-ibang uri ng warheads.

Huling nagsagawa ang Pakistan ng surface-to-surface missile test noong Mayo habang isinasagawa ang national election ng India.

Hindi ininda ng Pakistan ang batikos ng India sa ginagawa nilang missile test.
Magugunitang nagkaroon ng tensyon ang dalawang bansa sa pinag-aagawang Kashmir region.