-- Advertisements --

Tuluyan ng sinibak sa puwesto si Prime Minister Imran Khan ng Pakistan.

Ito ay matapos ang ginanap na “no confidence vote” dahil sa alegasyon ng economic mismanagement at ang hindi umanong tamang paghawak nito sa foreign policy ng bansa.

Mayroong 172 boto sa kabuuang 342 miyembro ang nakuha sa assembly para tuluyang patalsikin ang dating cricket star.

Pakistan rally

Isinagawa ang parliamentary vote nitong araw makaraang payagan ito ng korte suprema ng Pakistan.

Magugunitang makailang beses na inakusahan din ni Khan ang US na siyang nasa likod ng “no confidence vote” dahil sa “foreign conspiracy”.

Samantala, matapos ang pagpatalsik kay Khan, libu-libo namang mamamayan ng Pakistan ang bumuhos sa mga kalsada ng Islamabad at Karachi. Ang iba sa mga nagsagawa ng demonstrasyon ay sumusuporta sa kanya.