-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si Pakistani Prime Minister Imran Khan Ito ay matapos ang dalawang araw ng turukan siyan ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.
Nangangamba ang mga health experts na maapektuhan ang panghihikayat ng gobyernong Pakistan matapos ang paglabas ng nasabing balita.
Sinabi ni health minister Faisal Sultan na nasa mabuting kalagayan naman si Khan at mayroon lamang itong mild na pag-ubo at lagnat.
Dagdag pa nito na maaaring nadapuan na ang 68-anyos na si Khan bago pa lamang ito maturukan ng bakuna.
Bagamat hindi sinabi kung anong uri ng bakuna ang itinurok kay Khan ay sinabi ni Sultan na tanging ang bakunang Sinopharm na gawa ng China ang dumating na bakuna sa Pakistan.