-- Advertisements --

Nag-anunsiyo ngayon ang Philippine Airlines (PAL) na babalik na rin ang kanilang biyahe patungo at palabas ng Taiwan simula sa Feb. 21, 2020.

Ang PAL flights ay kasunod nang desisyon ng gobyerno ng Pilipinas na tanggalin na ang travel ban sa gitna nang pangamba pa rin sa Coronavirus Diseases (COVID-19).

Nagpaalala naman ang PAL doon sa mga pasahero na naunang naapektuhan ng mga kanselasyon na maaari na silang magpa-book sa mga babiyahe mula Feb. 21 hanggang Feb. 29 na may schedule na Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo.

Pero pagsapit ng March 1, balik na sa araw-araw ang biyahe ng PAL.

Una na ring ang-abiso ang Cebu Pacific na maging sila ay babalik na rin ang biyahe sa pagitan ng Manila at Taipei simula sa February 17