-- Advertisements --

Nasa mabuting kalagayan na ang pangulo ng Philippine Airlines Holding na si Lucio “Bong” Tan Jr.

Ito ay matapos na itinakbo sa pagamutan ng mawalan ng malay habang naglalaro ng basketball sa Mandaluyong City.

Ayon sa pahayag ng pamilya nito, na itinakbo sa pagamutan si Tan at bumubuti na ang kalagayan.

Isasailalim pa siya sa ilang serye ng pagsusuri at oobserbahan pa ng ilang araw.

Umupo bilang pangulo ng PAL Holdings at chief operating officer noong Oktubre 28 ng palitan niya si Gilbert Santa Maria.