Pumanaw na ang anak ng kilalang Filipino-Chinese billionaire at business tycoon na si Lucio Tan, na si Lucio “Bong” Tan Jr.
Nitong umaga nang bawian ng buhay si Bong o Lucio Tan Jr. habang nakaratay sa Cardinal Santos Medical Center, San Juan City sa edad na 53.
Ayon sa ilang sources, brain herniation secondary to a mini-stroke ang sanhi ng pagkamatay ni Tan.
“His untimely passing leaves a big void in our hearts and our group’s management team which would be very hard to fill. Bong was a son, husband, father, friend and, most importantly, our elder brother whom we all relied on for advice, counsel, and leadership,” ayon sa kanyang kapatid na si Vivienne.
“Our sincerest thanks to all who offered prayers and shared words of comfort during this hour of grief. Our family continues to request everyone to respect our wish for privacy as we go through this very difficult time.”
Nitong nakaraang Sabado nang himatayin si Bong habang naglalaro ng basketball sa Pinoyliga Cup finals.
Bago yumao, hawak ni Tan ang posisyon bilang presidente ng PAL Holdings na nasa ilalim ng kompanya ng kanyang ama na Philippine Airlines.
Siya rin ang head coach ng basketball team ng University of the East.
Si Bong ang nasa likod ng tagumpay ng Stag Pale Pilseners noong dekada 90 sa PBA.