Inanunsiyo ng Philippine Airlines (PAL) na temporaryo muna nilang ititigil ang kanilang international flights mula March 26 hanggang Abril 14, 2020 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nadadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sa inilabas na pahayag ng PAL, sinabi nito hindi na makayanan ang limitadong bilang ng mga international flights matapos na magpatupad ang maraming bansa ng travel ban.
Ang huling flight nila na PR 104 ay patungong San Francisco dakong alas-10:10 ng gabi ng Marso 25 habang maraming mga flights naman ang paparating sa bansa sa March 26 na galing sa Los Angeles, Tokyo, Narita at Jakarta habang sa Marso 27 ay may mga flight na manggagaling sa New York JFK, San Francisco at Los Angeles.
Nauna rito itinigil na rin ng PAL ang domestic flights hanggang Abril 14.