-- Advertisements --

Lilimitahan na lamang ng Philippine Airlines ang kanilang international flights.

Ito ay kasunod ng kautusan ng Civil Aeronautics Boards (CAB) na magiging 1,500 internatioanl inbound arrivals lamang kada araw ang kanilang papayagan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Magiging epektibo ito sa Marso 18 sa alas-8 ng umaga hanggang 8 a.m. ng Abril 19.

Ayon sa PAL na kanilang susundin ang nasabing kautusan kaya magbabawas na sila ng kanilang mga flights.

Maglalabas din aniya sila ng mga listahan ng mga kanseladong fights dahil sa nasabing kautusan.