-- Advertisements --
Plano ng Philippine Airlines (PAL) na magbawas muli ng mga empleyado sa susunod na buwan.
Ito ay para maka-survive umano sila sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19.
Mula kasi ng ipatupad ang lockdown noong Marso ay labis na ring naapektuhan ang mga international at domestic flights ng flag carrier ng bansa.
Nasa 35% umano ang ibabawas sa workforce ng kompaniya sa susunod na buwan.
Bibigyan aniya nila ng options ang mga empleyado kung magdesisyon sila ng extended leaves o retrenchement.
Ang nasabing pagbabawas ng empleyado ay siyang pangalawang beses na ngayong taon.