-- Advertisements --

Nakatakdang magbawas ng nasa 7,000 na empleyado ang Philippine Airlines.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 35 percent ng kanilang empleyado.

Mula kasi ng ipatupad ang lockdown dahil COVID-19 ay ipinagbawal ang pagbiyahe sa ibang bansa.

Nanawagan sila sa kanilang empleyado na mag-aplay ng voluntary separation.

Ayon sa kumpanya na ang nasabing retrenchment ay bahagi ng recovery plan nila.

Mula pa noong Pebrero ay nagtanggal na ng 300 na empleyado ang nasabing kumpanya.

Ang nasabing retrenchment program ay pinagsamang voluntary at involuntary measures para sa last quarter ng taong 2020.