-- Advertisements --
Naghahanda na ang Flag Carrier na Philippine Airlines (PAL) sa posibleng paggamit sa kapag dumating na ang COVID-19 vaccine.
Sinabi ni PAL Senior Assistant Vice President for Philippine Sales Harry Inoferio, magdadagdag na sila ng mga eroplano para sa pagkuha ng nasabing bakuna mula sa ibang bansa.
Posibleng sila rin ang gagamitin para sa pag-distribute ng bakuna sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.
Target kasi ng gobyerno na gumamit ng apat na bakuna laban sa novel coronavirus sa unang tatlong buwan ng 2021kahit na ang bansa ay dapat kumuha muna ng emergency vaccine use applications para sa druga.