Inanunsiyo ng Philippine Airlines (PAL) na nakakuha sila ng clearance mula sa bankruptcy judge sa US.
Ito ay para sa access funding na kailangan para sa kanilang restructuring na tinawag ng kumpanya bilang pagsisimula ng kanilang pagbangon.
Sa naging pahayag ng PAL na aprubado ng judge sa US ang inihain nilang Chapter 11 bankruptcy sa New York noong Setyembre 3.
Ang clearance ay inaprubahan ni Judge Shelley Chapman ng US Bankruptcy Court sa New York.
Nakasaad kasi sa Chapter 11 process ang pagpayag sa mga financially-distressed company na ipagpatuloy ang kanilang operasyon habang inaayos ang kanilang problema sa pangpinansiyal.
Kasabay din nito ay pinayagan din ng korte ang PAL na kilalanin at panatilihin ng lahat ng mga customer programs, kabilang ang valid tickets at travel vouchers habang nasa ilalim ng restructuring.
Sinabi ni Gilbert Santa Maria, ang president and COO ng kumpanya na mahalaga ang hakbang na ito sa kanilang recovery plan para patuloy ang pagbibigay nila ng serbisyo sa kanilang customers.