Hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pagkumpirna mula sa Philippine Airlines tungkol sa plano nito na maghain ng Chapter 11 bankruptcy protection sa Estados Unidos.
Matapos ang sunod-sunod na lockdown na naging dahilan para isara ang boarders ng mga bansa at pansamantalang itigil ang mga biyahe ay nalubog umano sa utang ang PAL.
Ayon sa mga ulat, plano ng naturang airline company na maghain ng court protection mula sa mga creditors habang sumasailalim ito sa debt restructuring, isa sa mga option nito ang US Chapter 11.
Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang PAL sa international law firm na Norton Rose Fulbright habang kinuha naman nito ang New york-based finance specialist na Seabury Capital bilang adviser.
Mayroon umanong 5 billion dollars o halos 3 trillion pesos na utang ang PAL Holdings, kabilang na rito ang obligasyon nila sa kanilangn inutangan.
Base sa isang aviation fleet module, mayroong 61 aircraft ang PAL, 30 aircraft naman ang sa subsidiary nito na Air philippines. Binubuo ito ng airbus, boeing, at de havilland aircraft of canada.
Sa nasabing bilang, nasa 62 dito ang nirerentahan lang, ito ay ang anim na A320-200, 14 na A321-200, dalawang A321-200NX, 14 na A330-300, anim na A350-900, anil na B666-300, at pitong Air philippines’ dash 8-400.
Ang 62 aircrafts na ito ay nirerentahan ng PAL sa 22 lessors.
Halos kalahati lang ng mga eroplano nito ang active para sa 64 na scheduled routes.
Una nang lumutang noong Nobyembre 2020 ang ulat na kinokonsidera ng PAL Holdings ang paghahain ng Chapter 11 sa New York pero sinabi nito na wala pang desisyon ang kumpanya hinghol dito.
Noong pebrero naman ay inanunsyo nito ang pagpapatupad ng company-wide workforce reduction program para magtanggal ng nasa 2,300 empleyado of 30% ng workforce nito.
Ang Chapter 11 o US bankruptcy code 11 ay isang uri ng bankruptcy na inihahain ng mga korporasyon upang payagan sila na i-reorganize o ayusin ang kanilang mga assets at utang.