-- Advertisements --

Nais makasiguro ng Philippine Airlines (PAL) na hindi maaabala ng husto ang mga pasahero na babiyahe sa Semana Santa.

Kaya naman inuulit ng PAL sa pamamagitan ng spokesperson na si Cielo Villaluna, ang kanilang panawagan lalo na sa mga international bound passengers na agahan ang pagtungo sa NAIA ng apat hanggang limang oras.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Villaluna na liban umano sa mahaba ang pila, layon din ng nasabing hakbang ay paghahanda kung sakaling may kulang na mga immigration officers na nakatalaga sa counters.

Sinasabing ilang mga immigration officers ang nag-resign at nag-leave of absence dahil sa reklamo sa overtime pay.

“In the meantime kailangan po natin magsagawa ng isang stop gap o safety measure sana para hindi ma-delay ang kanilang flight,” ani Ms. Villaluna. “So, this is a temporary situation, 4 to 5 hrs check in.  This is enough time to check-in and go to immigration counters and for the final X-ray procedures.”

Samantala doon naman sa mga pasahero na may katanungan o kaya nais malaman ang flight schedules at iba pa, ang PAL hotline ay 855-8888.